Template by:
Free Blog Templates

Friday, July 31, 2009

Antonio Trillanes III...sundalong huwad o huwaran?




Antonio Trillanes III..ipinanganak noong Agosto 6,1971 sa Maynila. Nakilala sa kanyang pamumuno sa pag-aaklas noong 2003 na tinaguriang "Oakwood Mutiny". Isang sundalong nag aklas laban sa katiwalian. Tumakbo at nanalong senador noong 2007. Muling nag aklas noong Nob.29,2007 matapos niyang abandonahin ang paglilitis ng kanyang kaso at muling nagtawag ng pag aaklas laban sa gobyerno at patalsikin si pangulong Arroyo sa pwesto.At lahat ng itoy nauwi sa kanyang pagkakadakip..Ang lahat ba ng kanyang mga ginawa ay masasabi nating kabayanihan para sa ating bayan...Mayroong nagsasabi na kaya daw nag alburoto si Antonio Trillanes ay hindi raw napagbigyan ng pangulo ang kanyang hiling na kunin ang kanyang "pork barrel". Kung totoo man ito masasabi kayang isa syang huwaran o huwad na lingkod ng bayan. Sa opinyon ng patnugot, masasabi kong hindi tungkulin ng isang sundalo ang makialam sa politika, na tulad na dapat gawin ng mga pari ng simbahan. Marami ang sumisigaw sa atin ngayon na "PARA SA BAYAN ANG LAHAT NG ITO" ngunit tanging ang sarili lang nila ang tanging makakasagot kung tunay ngang para sa bayan ang kanilang mga ginagawa. Noong una'y bilib ang patnugot sa ginawa ng grupo ni Antonio Trillanes na ibinunyag ang mga katiwalaan sa sandatahang lakas ng Pilipinas. Ngunit nag alinlangan na ako ng magpasiya na si Antonio Trillanes na tumakbong senador. Ang tanong ng patnugot ay ganito.... Ito na lng ba ang tanging paraan upang malabanan mo ang korupsyon...ANG SUMALI SA POLITIKA gayong nandyan sa propesyong yang ang tukso upang ikaw ay maging isa rin "KORAP"....At lalo rin ikadismaya ko ang napabalitang pagtakbo ng ilan pang miyembro ng magdalo sa susunod na eleksyon...yan ba ang sagot upang labanan ang korupsyon at katiwalian...ang maging senador, representante at alkalde....dapat ba tayong maniwala sa kasabihang "IF YOU CAN NOT BEAT THEM JOIN THEM"

0 comments:

Post a Comment