Template by:
Free Blog Templates

Friday, August 7, 2009

Gov. Ed Panlilio "Sinugong Politiko"




Eddie Tongol Panlilio...ikalawang paring nahalal sa gobyerno, nasuspinde sa kanyang pagpapari matapos ihayag ang kanyang naising tumakbo sa pagkagobernador ng Pampanga na naaayon sa "Canon Law" ng Vatican. Ginimbal nya hindi lamang ang Pampanga kundi ang buong bansa sa kanyang pagkakapanalo laban sa dating gobernador na si Mark Lapid at dating board member Lilia Pineda na asawa ni Bong Pineda na di umano'y isang "jueteng lord" sa Pampanga. Isang pambihirang pagkakataon na matalo ang mga maimpluwensya sa politika laban sa isang taong walang makinarya at walang pera.


Noong una isa ako sa mga nagsabi na imposible na manalo ang isang pari sa eleksyon lalo na sa isang mataas na posisyon. Ngunit isa rin ako sa mga nagulat ng manalo si "Among Ed" sa pagkagobernador ng Pampanga. Naging interesado tuloy ako sa kanyang tunay na pagkatao. Marahil ang kanyang pagkapanalo ay isa na ring hudyat na matalino na ang mga botanteng Pinoy. Naniniwala din ako na ang mga akusasyon ng mga kalaban ng gobernador na nandaya siya sa eleksyon ay hindi totoo. Saan po nmn kayo makakakita na walang partido, walang pera, walang impluwensya ang may lakas na mandaraya sa eleksyon...at masasabi rin nating bagito sa politika. At saka saan sulok ng Pilipinas na ang mga batikang politiko ay madadaya ng isang pari. Kaya po ako ay 100 % na sigurado na hindi nandaya si Ed Panlilio.


Hindi lingid sa ating kaalaman na si Gob. Ed Panlilio ay nagbabalak na tumakbong presidente sa ating bansa. Ang sabi nya'y hindi siya magnanakaw dahil wala siyang pamilyang bubuhayin, wala syang poprotektahang negosyo dahil wala syang negosyo, mananatili ang laman ng bank account na 250,000...sa tingin ko naman ay may katotohanan. Dahil yung ibang mga tatakbong presidente ay nagdadamihan ang pamilya, nagraramihan ang negosyo, at hindi matiyak kung magkano ang laman ng kanilang bank account. Nangangahulugan na marami silang masamang balak pagnakaupo na sa posisyon.


Ang sabi ni Gob. Ed Panlilio naghihintay siya kung may malaking "clamor" para sya tumakbo. Ang masabi ko lamang ay Gob.Ed Panlilio ikaw ang nakakahigit sa lahat ng nagbabalak na tumakbong presidente. Nasasayo ang mga katangian ng isang mahusay at epektibong lider.


Marahil ikaw ang isinugo upang mabago ang takbo ng politika sa Pilipinas.

1 comments:

Anonymous said...

being a priest does not guarantee that he will not do bad things

Post a Comment