Template by:
Free Blog Templates

Thursday, August 13, 2009

Populasyon ng Pilipinas







Marami ang nagtatanong ilang milyon na nga ba tayong mga Pilipino? Sapat pa ba ang kakayahan ng gobyerno upang tugunan ang lumolobong populasyon ng bansa? May plano ba ang gobyerno para limitahan ang populasyon ng bansa? Ilan lamang yan sa mga tanong na naglalaro sa isipan ng inyong patnugot.
Ang Pilipinas ay ika-12 bansa sa buong mundo kung sa laki ng populasyong ang pag uusapan na aabot sa halos 92 na milyon nitong taong kasalukuyan. Habang ang Maynila naman ay ika 11 lungsod na pinakamalaki ang populasyon sa buong mundo. Ito na marahil ang maituturing na panakamalaking balakid sa ating pag unlad, ang paglobo ng populasyon. Maikukumpara sa isang pamilya ang ating bansa. Na kahit na anong gawing kayod ng mga magulang, wala pa rin itong maidudulot na ginhawa kung sangkatutak ang kanilang anak. Hindi sapat ang kanilang kinikita upang maitustos sa kanilang pagkain at pangunahing pangangailangan. Dyan nasasakripisyo ang kanilang kalusugan at edukasyon. Dahilan sa kapos sa pananalapi hindi na nila kanayang gumastos para sa kalusugan at sa edukasyon. Ganito rin ang kalagayan ng ating gobyerno, kahit na anong trabaho pa ang gawin ng gobyerno hindi nito kayang tugunan ang pangangailan ng bawat Pilipino.
Bakit nga ba hindi maisabatas ang "Reproductive Health" sa ating bansa? May mga nagtatangkang ipasa ang "Reproductive Health Bill" ngunit ito ay mariing tinututulan ng simbahan at ilang konserbatibong grupo. Ang sabi nila'y ito raw ay isang paglabag sa utos ng ating Panginoon, may nagsasabi namang ito raw ay isang imoral, na magbubunsod sa tinatawag nating "premarital sex" sa mga kabataan.
Ang "Reproductive Health Bill"ay naglalayong hikayating ang taong bayan na sumubok sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya sa makalumang paraan man o sa makabagong pamamaraan. Layunin din nito na pangalagaan ang kalusugan ng ina at kanyang sanggol. At ang pangunahing layunin nito ay ang limitahan ang dami ng ating populasyon.
Sa aking pananaw ang isyu sa populasyon sa ating bansa ay mahalaga. Oo ngat ang isang bansang may malaking populasyon ay may malakas na lakas paggawa. Hindi pa rin natin masasabing ito ay isang lakas,dahil sa pag malaki ang populasyon malaki rin ang "demand" sa pagkain na halos wala na rin tayong mapagkunan,dahil sa sobrang siksikan na ang mga tao sa bansa. Ang mga bukirin ay ginagawa na rin nating mga kabahayan. Kulang na rin ang ating mga likas na yaman para sa lumolobong populasyon. Kaya panahon na para aksyunan ng gobyerno ang problema sa populasyon, nang sa gayon ay tuluyan na tayong umasenso. Huwag tayong magpatali sa mga taong sarado ang isipan tungo sa pag unlad. Asikasuhin natin ang kinabukasan ng bawat Pilipino. Huwag nating pahirapan ang ating mga sarili dahil sa marami tayong mga pinapakain at gingastusan. Mag isip tayo ng wasto.

4 comments:

Anonymous said...

sobrang na appreciate ko ang iyong isinulat..
sana ay marami pang makabasa nito at sana isabuhay sana ng mga tao sa ating bansa ang kahalagahan ng populasyon..
mahihirapan tayong umunlad lalo na ay kasama tayo sa mga tinatawag nilang "third country"

god bless to you!!!

Anonymous said...

thank you poh dito
dahil po d2 nagka assignment ako

Anonymous said...

pro reproductive ako....... parang pinapalabas mo na NO to LIFE ka ha,.......KATOLIKO KA BA TALAGA?

Anonymous said...

May utak tayo.,ginawa ng diyos...paandarin na lang kaya natin,, hindi hadlang sa kahirapan ang populasyon. Kahit kailan

Post a Comment